Biyernes, Agosto 17, 2012

Sapat lang..

Hanggang kailan ba dapat lumaban? At hanggang kailan ba dapat sumuko na? May mga bagay na mahirap panindigan, mahirap paniwalaan. Pwede ba yung sapat lang o kailan makukuntento sa sapat lang. Kaya mo bang sabihin sa taong pinapangarap mo na mahal mo siya? Magkakalakas ka ba ng loob na ipagtapat ang nararamdaman mo? Paano kung hindi mo binigyan ng pagkakataon ang sarili mo na ipahayag ang nararamdaman mo, yun pala mahal ka din niya? At paano kaya kung ayaw mo na talaga? Yun bang naramdaman mo lang na hindi ka na masaya pero wala kang lakas ng loob na sabihin. Iniisip mo siguro na may masasaktan, na makakasakit ka. Pero naisip mo din ba na mas mabuti na yung may masaktan dahil naging totoo lang kesa naman masaya pero kasinungalingan lang pala. Sayang ang panahon kung gagamitin natin sa wala lang, sa sama ng loob.

Sana ganito na lang, sana ganun na lang, sana okay lang ang lahat, sana okay lang siya at sana, okay kami. Yun bang tama ang lahat. Lahat ng iniisip ko at iniisip niya pareho. Kung ano ang nararamdaman ko, ganun din siya sa akin. Yung tipong magkatinginin lang kami alam na namin ang iniisip ng isa't isa. Yung MASAYA lang. Kahit na hindi kami magkasama at magkausap palagi, alam kong andyan lang siya. May matatakbuhan ako pag may problema ako, yung hahayaan lang nya na umiyak ako para ilabas ang nararamdaman kong sakit pag may problema. yung papakinggan lang ako sa lahat ng sama ng loob ko pagkatapos pipilitin niya na maging masaya na ako, papasayin nya ko. Kahit na magmuka siyang baliw mapatawa lang ako. Yung simpleng Mahal Kita, sapat na yun. Simple pero nararamdaman. 

May mga tanong na mahirap sagutin.. "WHAT IF?"
What if nagtanong ako?
What if ganito yung ginawa ko?
What if kami pa?
What if hindi ko na lang siya nakilala?
Sana masaya lang ang lahat. Sana SAPAT na yung SAPAT lang. Basta mahal niya ako, mahal ko din siya. Masaya kami dahil meron kaming isa't isa. Yung walang hiwalayan, walang ending, walang tapos na. 

Yung sana pagkatapos ng lahat, OKAY pa din kami. Okay lang ang lahat. Yung hanggang FOR-E-VER.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento